Monday, July 10, 2006

pile up

digos boys

i would like to dedicate this song to the panabo boys, digos boys, malita boys and of course to that mlang boy who stole my heart from me. i thank you all. e bakit naman kasi nagkukumpulan kayo sa iisang table o! diba jude? rex, kris at sweetie? san c gaaaaaaaaaab? naman. namention ko na tuloy. kelangan ko na ulit magshift ng course pag nagkataon. tsk tsk... hay ma'am sana naman po next time ayusin nyo life nyo ha? wag yang parang dinadamay nyo kami at aba me gana ka pang magjoke! e sa lecture nga parang not enough vitamins not enough life kayo. tuloy, hindi ko madefine ang adaptive radiation ng vertebrata cephalochordata kang hayup ka maligo ka mon!


st. peter's day sa toril

walam pasok. yan talaga ang pinakapaborito kong bitbit ng katolikong pamantasan e. pag araw ni ganito o ng kesehodang santo, asahan mong karamay mo kama mo. wag na tayong magpakaipokrito! alam ko namang alam mong higit sa dahil kristiyano ka man o anak ni allah e may pinagkauutangan kang loob sa mga santa santita. dapat sana e i have to pay respect to st. peter today pero i respect more myself kaya di na lang. hehe... peace san pedro at sa alaga mong panabong! magkakamabutihan din tayo sa mga susunod na pagkakataon.


it's a date. kitakits

pag-iisipan ko na muna ha? i think kasi magkakasakit ako ngayong linggo at exactly 4.30 pm. pasensya talaga. kasi naman di lang ako sanay na makihalubilo at makapanayam ang mga pinagkapipitaganang mga species.


virus database: database too old!

relaks pare. magmax ka na muna. ok? kalma lang. wag kang magpahalata. baka mapansin nilang wala kang alam. ok lang. sige patuloy lang sa ginagawa mo. wag kang magpahalata. baka mapansin nyang. ehem. basta. patuloy lang. wag kang magpahalatang maling class palang pinasukan mo. bobeta ka palang parasitology dapat to, hindi virology!


urge

eto isa pa. matatawa ka na lang. at mamahanga sa mga pinagsasabi nyang tila gusto nyang imungkahi mo ang dapat gawin ng isang taong gusto lang talagang mapasakanya ang dignidad ng isa pa. para tuloy feel ko guru ako. sabi ko tuloy sa kanya kung pwede ko lang syang igapos habang nilalapa nya yung katawan ng isa, why not? kaso di naman ako si superman at lalong hindi ako si darnang landi ng babaeng haliparot na yun! at tuloy sabi ko.. wag na. masisira image ko. wholesome pa naman ako. parting words ko? tapusin mo muna pag-aaral mo. malapit na. pagkatapos e di tapos na kaya hinay-hanay lang sa paglunok. ng control.


kalye putol

kundi siguro sya kasama ko, malamang me ginawa nako. buti na lang talaga me takot ako sa batas ng kalsada. napadpad kami sa kung saan-saan kakahanap sa kaklaseng sa lahat eh nauna sa amin nang bahagya sa buhay. bakit naman kasi si manong dun kami hinatid? pagkakaalam ko dapat alam ng mga tumutulak at nagpapadyak ang destinasyon ng bawat pasahero nila. pero sige na nga. ok na rin. muntikan na kaming naubusan ng pasensya kasi naubusang load kasama ko. timing namang kumaripas ng takbo si ms. pinaghintay-mo-kami-nang-matagal-pinapak-tuloy-kaming-lamok bago pako nawalan ng ulirat. joke lang yun. hindi ako ganun. lalong di ako nag-iinarte. mamatay na lahat ng nag-iinarte! sa ilalim ng buwan, tumambay kami sa maliit nilang tindahan at dun e nagkwentuhan nang mahaba-habang inuman. dun rin naisalaysay ng suspek ang mga eksaktong kaganapan sa buhay nya. at bahagya mang napasarap, kelangan nang magsara nung tindahan kasi yum bahay nila at yung sari-sari e di iisa. naramdaman ko yun dahil sa hindi naman ako manhid o di kayay nagmamanhid-manhidan kasi sa totoo lang ampaplastik nung mga manhid kala mo bato yun naman pala inuuod rin. at yun na nga. napag-alaman kung tama pa rin ako sa desisyon kong tumiwalag sa dating tropa kasi tulad ng ganitong mga bagay di mo namang inaasahang mangyari dahil kung busy lang talaga ako wala akong panahong mangyari ang mga bagay na tulad na to na mas makabuluhan at may dikta sa damdamin ko. hindi ako nagmamarunong. tae rin naman akong tulad ng mga taeng nagkalat sa kalsada. pero naisip ko, di ko ipagpapalit ang mga ganitong bagay dahil una di naman talaga sila bagay at pangalawa, walang kwenta ang mga makamundong pagnanasa at pagpapakasasa dahil sa huli uuwi ka rin namang mag-isa.


kalye putol kasunod

ayaw ko sanang ganun yung ending ng blog kaso ewan. bugso ng tarantadong damdamin. yung gusto ko sanang tumbukin dun ay ibang bagay kaso as usual nawala ako. wala akong pinapatamaan. kung meron man, sarili ko lang po. hindi to defensive wound kung mararampatin nyo pero ibig ko lang mabigyang linaw ang sarili ko. kung nagkaleche-leche flan man mga buhay natin dahil din to sa atin. walang sisihan. walang turuan. kung masaya man tayo sa buhay natin at kinatatayuan natin, dahil. to. sa. atin. tayo me gawa ng lahat. tayo me karapatang humawak ng kapalaran natin. obligasyon nating maglayag. hindi ko to memorize so please go to page 56 of your ABNKKBSNPLAko. pero sa tulad kong pinaglaruan ng tadhana at wala na rin sa akin yung libro kong yun, sumalangit nawa ang me hawak. pati yung me akda. kundi nyoko maintindihan, mas lalo nako. kung ayaw nyo, di ko naman kayo pinipilit na gustuhin ako. madali akong kausap. just lay your cards straight to me. i can handle it. neknek na english to. bwisit. pinoy ako. pinoy. nagising na lang ako isang araw alam ko na yung sagot, kum bakit. pero nung sumunod na araw, nagising ako at hindi ko na ulit alam kung ano yung sagot, higit pa, kung anuman yung tanong. wala akong masisisi. tama si madam nung sinabi nya don't decide over something when you're up or down, you just can't. maiimpluwensyahin ng damdamin ang desisyon. pero di ba nga kelangan natin yung dalawa? hindi lang puro isip o di lang rin puro puso. siguro naging agnostic nako. kaso di yun ang tamang term. hindi ko mahanap ang katumbas ng agnostic sa pwesto ko. hindi naman kasi diyos ang pinag-uusapan dito, kundi. di ko na ulit matandaan yung tanong. sa mga taong pinaasa ko, nasaktan ko man, nayurakan o kinasusuklaman ako, sa puntong to wala na akong pwede pang maisasambit sa inyo. suko na ako. dito na muna ako habang inaalam ko pa yung tanong.


meow

bakit yung artist magiging teacher? actually, pwede naman talaga kasi kelangang maging art is cool ni teacher para interesting yung class. ewan. naaawa ako sa kanya. wala syang nasabi para sa buhay nya. yun ang akala ko. puro akala. hindi ko naman talaga sya kilala nang lubusan. at bakit ko maiisip ang mga ganun? wala akong karapatan. pero paplantsahin ko na gusot ko. simula ngayon. uhmmm... sa sabado pa pala, ok?


hp

bagong line ng printer? hindi. matagal na to. ito yung mga panahong pumapasok ako sa eskwela sa ibang paaralan. nakikiupo sa mga upuang de kahoy dahil sa puno naman talaga yung inuupuan ko. nakikitambay sa damuhan sa gitna ng mga dambuhalang tinatapos pang mga gusali. nakikikain sa maliit pero malinis na kusina sa likod ng animo'y abandonadong bodega. san ka na ba? bakit dun ka pa tumawag? sino boypren mo doon?


pantalon

naluluma ang lahat. pati nga mukha, di maipagkakaila. tumatakbo ang oras. nananahan o di kaya'y titigil lang kung me dahilan. pero sa totoo lang, tayo ang me kapasidad na magpatigil nito. kumukupas ang lahat. pati yung pantalon. pero ang PCSO, walang kupas!


does god exist?

that is the question. itong patunay: gab exists.


anak ng tula-dulaan

aba naman! di ako papayag. kelangang yun na. dugo't pawis ang aking inalay para sa pag-ibig kong wagas sa tinubuang lupa. tama! me kopya ako sa email ko. payn. tenk yu. pwedeng net access?


amoy arsenic

sinong naligo ng pabango ha? obyus. mating season na ba? ay... si sir ba kamo? kasi naman osmosis is a specialized diffusion. cells can be classified as hypertonic, hypotonic or isotonic. ako ay ironic pero anemic. i hate arsenic. ginisa ba naman kami sa defense.


webbed feet

this is for you mr. andersen. you who made us think in class. for your big words, swallow and bogus. and we were never the same again. you listening with your brown eyes. you wearing your head through the skin. tanong lang: diba ang swallow uri ng ibon? tsaka diba yung bogus yung sinusundot sa ilong? tulad nito? hekhek... saya.


paparapapa... lab ko to!

tip para sa mga estudyanteng nagnanais maging non-repeater sa klase: pag moving exam, wag nang mag-aral! useless. trust me condom. pag humingi ng papel na 1/2 lengthwise sa kaklase, wag kalimutang magpasalamat. mangyari man, bumalik saglit at magpakyewt bago kumaripas ng takbo. kung mararapatin, pwedeng i-kiss na lang. sige nga. try mo nga? tapos, walang panama ke jordan ang mga classic moves. pwedeng magpakadamsel in distress pero wag sosobrahan. baka isiping tatanga-tanga ka. magsimula sa ganitong paraan: "talaga? ito na ba yung stage na me ring na ang falciparum? yung bale marami ng ameboid? kasi kinain nung parasite yung utak ko kaya you sweep me off my feet.." pag binigyan kang walis o kaya deadma sya. i-challenge sa isang arm wrestling. and then you will live jollibeely together! mismo.


mayumi

ha? so andito na naman si bloody mary shelley! san tayo ngayon? dun pa rin sa dating pwesto. basta kaw magbabayad ng bill. mahal yata tip ko. hoy victor! sasali ka ba dun sa tv? sama mo ako sa mga pangarap mo kasi kung hindi ilaglag kita sa publiko!