Saturday, July 29, 2006

party hat

"bai, walang handa. dinner lang."

pagdating sa tahimik avenue. sa may bakanteng lote.

"ang walang party hat, walang fooood!"

lahat nagsuot. ba naman, kain lang naman diba ang ipinunta namin.

sa mesa: hipon, alimango, bangus na anlaki eh isang tuna fresh from the waters of kabakan, bistek, corned beef na ewan, spaghetti na i'm so sorry plastik ako kung kakainin kita kung katabi mo naman si sebastian the shrimp at bandehadong kanin na i'm so honest dalawang balikan lang ako ng 2 cups of apol's spoon. pramis.

sa kabilang mesa: cake. chocolate cake. bithday cake. leche flan cake. at party tissue. oo yung kulay blue parang mantle para naman color coding diba kahit di ko nakikita talaga ang pagkain ko kasi uulan ata kasi pinakanta ako ng mga walangya kong mga kaklase.

climax/ finale: pabitin. at isang balot lang ang nakuha ko. kasi naman si shud-shud. sinadya. inihulog ang pabitin sa mukha ko. yun tuloy, may scratch ako sa mukha ngayon. bakit ba antanga-tanga ko? o sobrang siba ko lang talga sa jelly ace kaya yun tuloy!

uy! concert ng parokya kinabukasan. at di ako makakapunta kasi si jun-jun nasa maynila. libre ang admission nung mga gumagawa ng barko at eroplano. buy one take two. si ting-ting dadalhin si apol kasi yung boardmate nya toka sya. eh ako? sukob mga kapatid!